ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH
Add GMA on Google
Maine Mendoza and Alden Richards share experience in shooting first film together
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Tulad ng buong AlDub Nation, sabik na rin sina Pambansang Bae Alden Richards at Dubsmash Queen and Kalyeserye sweetheart Maine Mendoza sa nalalapit na pagpapalabas ng 2015 Metro Manila Film Festival entry na “My Bebe Love,” ang kauna-unahang pelikulang kanilang pagsasamahan.
Sa isang panayam, ibinahagi ng phenomenal loveteam kung paano sila mas napalapit sa isa't isa ngayong nagkakasama na sila sa iba't ibang projects.
Kabilang raw sa mga natuklasan nila sa isa't isa ay ang kanilang kakulitan sa likod ng camera.
Ayon kay Alden, match na match raw ang kakulitan nila ni Maine kaya agad silang nagkasundo at nagkapalagayan ng loob.
“Happy kami na magkasama. Happy kami working together,” aniya.
Kuwento naman ng dalaga, “Makulit siya. Akala ko kasi sa TV, parang tahimik siya. Pero noong nagkasama kami, iba naman pala. Makulit siya. Good thing.”
Bukod sa kanilang dalawa, bibida rin sa nasabing pelikula sina Bossing Vic Sotto at Comedy Concert Queen AiAi Delas Alas.
Ani Maine, masayang-masaya siya na mga premiyadong aktor ang nakasama niya sa kauna-unahang pelikulang kabibilangan niya mula nang pinasok niya ang mundo ng showbiz ngayong taon.
“Ako, super happy kasi magagaling silang aktor. At siyempre, nandiyan pa ang Pambansang Bae. Super happy ako na sa first movie ko ay sila ang naka-work ko,” paliwanag ng Dubsmash Queen.
Inaanyayahan ng AlDub ang lahat na manood ng “My Bebe Love” dahil nais raw nilang maramdaman ng lahat ang kasiyahang kanilang naranasan habang binubuo nila ang pelikula, sa pangunguna ng batikang direktor na si Jose Javier Reyes.
“Kung ano 'yung pinapakita naming kalokohan dito (sa panayam), ganoon din ang ma-e-experience nila sa movie. Very enjoy kasi pang-buong pamilya," ayon kay Alden.
Dagdag pa niya, "'Yung working relationship din naming lahat dito, pamilya. In a short span of time, very comfortable na kami sa isa't isa."
Biro naman ni Maine, “Parang Kuya ko na nga si Alden.”
Kabilang ang “My Bebe Love” sa walong pelikulang kalahok sa MMFF 2015, na ipapalabas simula sa araw ng Pasko. —Bianca Rose Dabu/AT, GMA News
More Videos
Most Popular