ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Pauleen Luna reveals best friend Pia Wurtzbach sounded 'very different' after winning Miss Universe title
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Isa ang Kapuso host-actress at “Eat Bulaga!” Dabarkads na si Pauleen Luna sa mga nangunguna sa pagsuporta kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach mula sa tatlong beses nitong pagsali sa Binibining Pilipinas hanggang sa pagkapanalo nito ng korona para sa Pilipinas mula sa prestihiyosong international pageant nitong Linggo, December 20 (Lunes, December 21 sa Pilipinas) sa Las Vegas, Nevada, USA.
Ayon kay Pauleen, nakausap niya si Pia ilang oras lamang matapos itong itanghal bilang pinakabagong Miss Universe, at nagulat raw ito sa narinig niyang boses mula sa kaniyang matalik na kaibigan.
Kaiba sa inaasahan niyang kasiyahan at pagdiriwang, kalmadong-kalmado raw ang Pinay beauty queen at tila hindi pa rin makapaniwala sa nagwagi siya sa Miss Universe.
Kuwento ni Pauleen sa “News To Go” nitong Martes, “To be honest, medyo iba siya. I have known her for quite a while—more than 10 years. Si Pia, when she's her normal self and she's happy, talagang halatang-halata. But last night, the tone of her voice was very different. Parang kalmadong-kalmado.”
“I think hindi pa nag-si-sink in. Ibang-iba kasi talaga, lalo na noong nanalo siya ng Binibining Pilipinas. But now, her tone was very calm. Ibang-iba talaga. I think hindi pa rin talaga siya makapaniwala na she's Miss Universe,” dagdag pa niya.
Kabilang umano sa mga napag-usapan nila ang matinding suportang ipinakita ng mga Pilipino kay Pia maging sa social media, kaya naman nagpapasalamat umano ang beauty queen sa pakikibahagi ng kaniyang mga kababayan sa kaniyang Miss Universe journey.
Proud rin daw ang aktres sa naging sagot ng kaniyang kaibigan sa inaabangang Question-and-Answer portion ng beauty pageant at tiwala raw ito sa simula pa lamang na maitatawid ni Pia ang naturang bahagi ng kompetisyon.
Ayon kay Pauleen, “If there's one thing I am confident about at hindi talaga ako kinakabahan, it's the question and answer. Because she's a smart girl. Even here sa house, when she's visiting, binabato namin 'yan ng kung anu-anong questions and she always has an answer. She's a very intelligent lady. Mas kinakabahan pa ako sa rampa-rampa lang kasi she's smaller than the other candidates.”
Sa gitna ng pagdiriwang ng mga Pilipino at paghahanda ng enggrandeng pagsalubong kay Pia, hindi pa raw sigurado si Pauleen kung kailan makakabalik sa Pilipinas ang kaniyang kaibigan.
Dahil dito, maaaring hindi na rin makadalo ang pinakabagong Miss Universe sa kasal nina Pauleen at Bossing Vic Sotto na inaasahang maganap sa susunod na taon.
Gayunpaman, tanggap na raw ng Kapuso actress ang posibilidad na ito, at nais niya lamang daw na sulitin ni Pia ang bawat minutong nasa kaniya ang korona.
Aniya, “I don't mind if she doesn't make it to my wedding because I'm all for her success. She worked so hard for this and she's waited so long for this. I don't want to deprive her of every minute of her Miss Universe time. Ako, okay lang. I totally understand. As a matter of fact, pinag-Simbang Gabi ko pa na manalo siya because she really, really deserves it.”
“She really prepared for it—mentally, physically, spiritually. I think God really orchestrated this whole thing. She won in her third attempt in Binibining Pilipinas because this is the right time para manalo siya as Miss Universe,” pagbabahagi pa ni Pauleen. —Bianca Rose Dabu/AT, GMA News
More Videos
Most Popular