Jean Garcia greets daughter Jennica Garcia on her birthday: 'I love you! I adore you! I admire you!'
Nakakaantig na mensahe ang ipinarating ng "The Half Sisters" star na si Jean Garcia sa kaniyang anak na si Jennica Garcia kasabay ng pagdiriwang nito ng kaniyang 26th birthday nitong Sabado.
Sa kaniyang Instagram post, binalikan ni Jean ang mga pinagdaanan nila bilang mag-ina, at nagpasalamat siya sa pagiging mabuti at mapagmahal ng kaniyang anak.
Aniya, "Happy birthday my dearest daughter, Jennica @dearcatlady, I'm so grateful I have you anak. We have been through so much together. So many memories and so many more to be made. I love you! I adore you! I admire you Jennica Alexis Garcia Uytingco!!!"
"There's no one else in this world like you. Maraming salamat sa pagiging mabuti at sobrang mapagmahal mong anak, asawa, ina, kapatid, kaibigan at pamilya. I have no words of how proud I am of you! Thank you Lord Heavenly Father for blessing us with Jennica!" dagdag pa ng aktres.
Hindi rin nagpahuli sa pagbati ang asawa ni Jennica na si Alwyn Uytingco.
Sa Instagram post kung saan makikitang kasama ng mag-asawa ang kanilang anak na si Athena Mori na ipinanganak ngayong taon, tinawag ni Alwyn ang kaniyang asawa na "Simple pero rock."
""SIMPLE, PERO ROCK!" Yan na siguro ang the best na paraan para i-describe ka. SIMPLE. Sa pananamit, sa make-up, sa gustong midnight snack (coke float), sa favorite genre ng pelikula (syempre romance!). SIMPLE! . . . PERO ROCK. Sa prinsipyo sa buhay, sa pagiging isang INA at pag-aalaga kay Mori (ORGANIC halos lahat ng gamit ni Mori), sa pagmamahal sa akin at sa kaniyang pamilya, at sa pagmamahal kay JESUS, ROCK as in SOLID!!" aniya.
Dagdag pa ni Alwyn, "Para sakin, sobrang blessing ni LORD na dumating sa buhay ko ang taong ito. Kaya sa kaarawan mo, sana makabawi ako. Kahit pagod ka palagi, sana mapangiti ka ng simpleng effort na 'to. Mahal na mahal kita, @dearcatlady."
—Bianca Rose Dabu/AT, GMA News