Filtered By: Showbiz
Showbiz
TRENDING

Claudine Barretto shares old handwritten love letter from Rico Yan


Tila nag-throwback at naantig ang puso ng maraming netizens nang i-post ng aktres na si Claudine Barretto ang isang luma at nakakakilig na handwritten letter mula sa kaniyang ka-loveteam at dating kasintahan na si Rico Yan.

Makikita sa naturang Instagram post ang larawan ng dalawa at ang sulat, habang nakasaad naman sa caption na, "We @tinamarieyan miss u terribly."

Nakasaad sa sulat:

"To my hunny,

By the time you read this, I must be in CDO already.

Just want to thank you for last night. You were wonderful!!! And because of that, I’m sure I’m gonna have a hard time sleeping without you by my side tonight. :(

But nevertheless, I still love you very much! MWAH!!

Rico"

 

We @tinamarieyan miss u terribly

A photo posted by @claubarretto on

 

Labintatlong taon na mula nang pumanaw si Rico dahil sa hemorrhagic pancreatitis habang nagbabakasyon sa Dos Palmas Resort sa Puerto Princesa, Palawan, noong March 29, 2002.

Ayon kay Claudine sa naunang pahayag, taun-taon ay itinuturing niya pa ring "nightmare" ang death anniversary ng namayapang aktor. —Bianca Rose Dabu/KBK, GMA News