Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Solenn Heussaff marries Argentine boyfriend Nico Bolzico in Argentina


Matapos ang kanilang engagement noong nakaraang taon, ikinasal na ang Kapuso actress na si Solenn Heussaff at ang kaniyang kasintahang si Nico Bolzico sa Argentina nitong Martes, December 29.

Kabilang sa mga dumalo sa kanilang kasal ang kani-kanilang pamiya at mga kaibigan, tulad na lamang nina Erwan Heussaff, Anne Curtis, Isabelle Daza, at Georgina Wilson.

Sa kaniyang Instagram account, nagbahagi ng ilang mga larawan si Solenn mula sa simple at pribadong seremonya.

Samantala, nagkaroon naman ng pagkakataon ang ilan na sumilip sa naganap na kasal nina Solenn at Nico sa papamagitan ng Snapchat account ni Isabelle, kung saan ibinahagi niya ang ilang tagpo sa rustic-style wedding ng kaniyang kaibigan.

Nauna nang sinabi ni Solenn na nais niyang maging pribado ang kaniyang kasal, kaya naman hindi masyadong napag-usapan ang ginawa nila preparasyon para dito.

“Because it’s a personal thing and it is something you want to be magical. The more the people talk about it, the more it gets magulo, parang ayoko na. So I wanna keep it private. Lalabas naman when it happens. I’ll share,” aniya.

 
 
 
 
 
 

 

—Bianca Rose Dabu/KG, GMA News