advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

'Eat Bulaga!' introduces new segment 'Grabe S'ya!'


Kasabay ng pagpasok ng panibagong taon ang pagsisimula ng bagong segment ng noontime show na "Eat Bulaga!"
 
Nitong Lunes, sinimulan na ang "Grabe S'ya," kung saan may 40 segundo ang lahat ng mga kalahok upang ipakita ang kanilang talento at sumailalim sa isang audition on air.
 
Tila naging inspirasyon ng naturang segment ang naging audition ni Dubsmash Queen at Kalyeserye sweetheart Maine Mendoza sa "Eat Bulaga!" stage anim na buwan na ang nakararaan. 
 
Bilang unang salang sa naturang segment, nagpakita ng halimbawa ang Pambansang Bae.
 
 
Tatlong kalahok mula sa audience ng Broadway Centrum ang unang sumabak sa "Grabe S'ya."
 
Nagpakita sila ng kani-kanilang talento, kabilang na ang pagkanta, pag-arte, pagsayaw, at maging pagpapatawa.
 
Bukod sa mga Dabarkads, magsisilbi ring hurado ang ilan sa mga miyembro ng audience ng "Eat Bulaga" sa araw na iyon.
 
Abangan ang mga susunod pang magiging kalahok sa "Grabe S'ya," at kung papaano nila gagamitin angkanilang 40 seconds of fame upang magpakitang-gilas at magkaroon ng pagkakataon na maging susunod na big star sa telebisyon.
 

—Bianca Rose Dabu/AT, GMA News

LOADING CONTENT