Claudine Barretto shares more love notes from Rico Yan
Matapos siyang magbahagi ng lumang handwritten letter mula sa dating kasintahan na si Rico Yan nitong nakaraang taon, muling ipinasilip ng aktres na si Claudine Barretto ang ilan pang love notes mula sa namayapang aktor.
Nitong Linggo, ginunita ni Claudine ang mga alaala ni Rico sa pamamagitan ng pag-post ng dalawa pang love letters mula rito.
Aniya sa isang Instagram post, bukod sa kaniya, nangungulila rin daw ang kapatid ng aktor na si Tina Marie Yan.
Nais rin daw ni Claudine na mapaligaya ang mga tagahanga ni Rico sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga alaala nito sa social media.
As Promised my Palanggas.this is from. @tinamarieyan & i. #sistersforlife??
A photo posted by @claubarretto on
@tinamarieyan only to make RY's fans happy fr @tinamarieyan & i????????
A photo posted by @claubarretto on
Apat na taong magkarelasyon sina Claudine at Rico nang pumanaw ang aktor dahil sa hemorrhagic pancreatitis habang nagbabakasyon sa Dos Palmas Resort sa Puerto Princesa, Palawan, noong March 29, 2002.
Ayon kay Claudine sa naunang pahayag, taun-taon ay itinuturing niya pa ring "nightmare" ang death anniversary ng namayapang aktor. — Bianca Rose Dabu/AT, GMA News