ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Barbie Forteza to birthday girl Joyce Ching: 'Isa ka sa mga pinakatotoong taong nakilala ko'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ipinagdiwang ng Kapuso actress na si Joyce Ching ang kaniyang kaarawan nitong Martes, January 5, at hindi nga pinalampas ng kaniyang malapit na kaibigan at "The Half Sisters" star na si Barbie Forteza ang pagkakataong bumati rito.
 
Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Barbie ang isang eksena kasama si Joyce, kung saan sinubukan nilang mag-away ngunit nauwi lamang ito sa tawanan.
 
Aniya, "Ito yung sinubukan nating magaway pero hindi talaga kaya! AKN Days. MALIGAYANG KAARAWAN, JOYCE GISELLE CHING"
 
"BEBS! Isa ka sa mga pinakatotoong taong nakilala at nakasama ko sa showbiz. Sobrang saya mong kasama at laging mo lang sinasakyan ang mga trip ko kahit minsan alam kong napipilitan ka lang. Sana magkatrabaho ulit tayo dahil alam naman ng lahat na napakahusay mong aktres! Wag kang magbabago. Mahal na mahal kita," dagdag pa ng aktres.
 
Bukod sa GMA Drama series na "Anna Karenina," nagsama na rin sina Barbie at Joyce sa ilan pang programa tulad ng "Ikaw Lang Ang Mamahalin," "Reel Love," "First Time," at marami pang iba.
 

 

— Bianca Rose Dabu/AT, GMA News