ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK
Add GMA on Google
Kauna-unahang AlDub Library sa Laguna, binuksan na
By BIANCA ROSE DABU
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Alden at Maine sa Laguna
Kasabay ng 27th weeksary ng phenomenal AlDub loveteam nitong Huwebes, binuksan na ang kaun-unahang AlDub Library sa Lumban Central Elementary School sa Laguna kasama sina Alden, Yaya Dub, Lola Nidora, at Tinidora.
Nagsimula ang pagpapagawa ng AlDub Libraries matapos ang matagumpay at makasaysayang "Sa Tamang Panahon Show" sa Philippine Arena noong Oktubre, kung saan nakalikom ng P14 million ang “Eat Bulaga!” mula sa ticket sales.
Lahat ng kinita ng naturang pagtatanghal, kasama na ang mga donasyong natanggap mula sa mga tagahanga ng AlDub at ng longest-running noontime show sa iba't ibang bahagi ng mundo, ay nakalaan sa pagpapatayo ng mga silid-aklatan para sa maraming paaralan sa Pilipinas.
Kabilang na rito ang Lumban-Kalayaan Elementary School sa Laguna, Ongol-Ilaya Elementary School sa Dumarao, Capiz, Tambacan Elementary School sa Iligan City, Lanao del Norte, at marami pang iba.
Labis ang pasasalamat ng AlDub at ng mga Dabarkads sa mga nag-ambag upang maging posible ang pagpapatayo ng AlDub Libraries.
The "ALDUB LIBRARY" on LUMBAN CENTRAL SCHOOL. Salamat sa tulong niyo ALDUB NATION! #ALDUB27thWeeksary pic.twitter.com/zuDopZeZuE
— ALDUB's FOREVER ? (@admdforever) January 21, 2016 “Ito ang patunay ng dedikasyon ng 'Eat Bulaga!' sa pagsulong ng edukasyon at pagsuporta sa mga batang mag-aaral na nagsisikap maabot ang kanilang mga pangarap. Hangga't may bata, 'may Eat Bulaga!'” ayon sa plaque na nakalagay sa kauna-unahang AlDub Library,
Bukod sa mga libro, at mga bagong lamesa at upuan, mayroon ding computer sets ang silid-aklatan na maaaring gamitin ng mga estudyante ng Lumban Central Elementary School.
Mayroon pang ibang silid-aklatan na ginagawa kabilang na ang isang paaralan sa Catabangan proper sa Camarines Sur, at gayundin sa isang paaralan sa Urbiztondo, Pangasinan. — APG, GMA News
More Videos
Most Popular