Kean Cipriano reacts to pregnancy rumors about wife Chynna Ortaleza
Naging usap-usapan sa social media ang pagbubuntis umano ni Chynna matapos itong mag-post ng kaniyang larawan kung saan makikita ang tila isang baby bump.
Ayon kay Kean, dream come true para sa kanilang mag-asawa sakaling mabiyayaan sila ng anak.
“That will be another dream come true, but I can't really dish out any details. I respect my wife and our decision as a couple,” paliwanag niya.
Naunang inilarawan ng aktor at singer na si Kean Cipriano ang pagpapakasal sa Kapuso actress na si Chynna Ortaleza bilang isa ring “dream come true.”
Hindi man siya nagbigay ng karagdagang detalye tungkol sa kanilang kasal, inamin naman ni Kean na payapa at masaya raw ang kanilang buhay may-asawa.
Matatandaang nag-post lamang ng larawan sa Instagram ang dalawa patungkol sa kanilang pag-iisang dibdib bago ang pagpasok ng bagong taon.
Ayon sa lead vocalist ng bandang Callalily sa panayam ni Lhar Santiago, “Very peaceful, happy. It's a dream come true. The farthest we can go is that post in Instagram. Me and Chynna, we've talked about it. Anything regarding our personal lives and our family, we'd like to keep it to ourselves.”
— Bianca Rose Dabu/AT, GMA News