Filtered By: Showbiz
Showbiz

Julie Anne San Jose receives triple platinum award for album ‘Deeper’


Bukod sa pagpapasaya sa mga Kapuso "Sunday Pinasaya" at GMA Afternoon series na "Buena Familia," at sa pagbibigay niya ng pahinga sa mga manggagawang Pilipino sa "Day Off," patuloy rin ang pamamayagpag ng singing career ni Asia's Pop Sweetheart and Kapuso singer-host-actress Julie Anne San Jose.

Nitong Linggo, tinanggap ni Julie Anne ang triple platinum award para sa kaniyang album na "Deeper."

Kasama niyang nagdiwang ang mga kasamahan sa "Sunday Pinasaya," at ang kaniyang mga tagahanga na walang patid ang suporta at pagmamahal sa kaniya.

Aniya sa isang Instagram post, "Mabuhay ang OPM! Adiks, salamat ng marami. Much love."

 

Bago magtapos ang 2015, tinanggap rin ni Julie Anne ang Best-selling Album award mula sa naganap na 28th Awit Awards para sa "Deeper," ang ikalawang album niya sa ilalim ng GMA Records.

Kinilala rin bilang Best Rap Recording ang single na “Dedma” kung saan nakasama ng Kapuso singer-actress ang rapper na si Abra. — Bianca Rose Dabu/AT, GMA News

LOADING CONTENT