Vic Sotto bares why he’s in love with Pauleen Luna
Nakatakda nang ikasal sina Bossing Vic Sotto at Kapuso host-actress Pauleen Luna ngayong linggo, at kabilang nga ang mga “Eat Bulaga!” Dabarkads sa mga nasasabik para sa espesyal na araw na ito ng dalawa sa kanilang katrabaho at kaibigan.
Nitong Lunes, nagkaroon ng pre-wedding special ang longest-running noontime show sa Philippine TV kung saan inalam ng Dabarkads ang ilan sa mga nakakakilig na impormasyon tungkol sa magkasintahan.
EXCLUSIVE pre-wedding special nila Bossing at Pauleen mamaya sa Eat Bulaga!
A photo posted by Eat Bulaga (@eatbulaga1979) on
Bukod sa tawagan nilang “Babe,” ibinahagi rin ni Bossing kung ano ang nagustuhan niya sa kaniyang mapapangasawa.
Aniya, nariyan ang hindi maitatangging kagandahan ni Pauleen, at ang kabutihan ng kaniyang puso.
"Syempre, kita niyo naman, pagdating sa pisikal, eh wala na kayong dapat itanong. Wala ka nang hahanapin pa. Pero para sa 'kin, hindi naman 'yun ang importante. Importante kung ano 'yung nasa loob — mga atay, balunbalunan,” biro ng batikang host at aktor.
Dagdag ni Bossing, "Pinakamahalaga 'yung puso kasi nakita ko sa kanya ang isang magandang puso, isang mabait na anak, isang mabait na kaibigan... at magiging mabait na ka-partner for life.”
Matapos ang halos limang taon nilang pagsasama bilang magkasintahan, nakatakda nang ikasal sina Bossing at Pauleen sa darating na Sabado, January 30. —Bianca Rose Dabu/NB, GMA News