ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Maine and Alden share sweet moments in new chocolate commercial


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Bida sa panibagong commercial ng isang milk chocolate brand ang phenomenal loveteam nina Pambansang Bae Alden Richards at Dubsmash Queen and Kalyeserye sweetheart Maine Mendoza.

Nitong Huwebes, ipinasilip ng Cadbury Diary Milk ang kanilang bagong patalastas tampok ang AlDub sa kanilang kauna-unahang Valentine's Day mula nang mabuo ang kanilang loveteam sa Kalyeserye noong Hulyo ng nakaraang taon.

Makikita rito na tila nagpapalitan ng fan sign ang dalawa habang nagda-Dubsmash, gaya ng madalas na ginagawa nila sa “Eat Bulaga!”

 
#SayItWithCadbury This Valentines

Watch Alden and Maine #SayItWithCadbury during their first Valentines ever!

Posted by Cadbury Dairy Milk on Wednesday, January 27, 2016

 

 

Tatlong araw matapos i-post sa Facebook ang naturang commercial, umani na ito ng higit sa 56,000 likes at halos 1.1 million views. — Bianca Rose Dabu/AT, GMA News