ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Rochelle Pangilinan reunites with original Sexbomb Girls


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Muling nagsama-sama ang ilan sa mga orihinal na miyembro ng dance group na Sexbomb Girls nitong Martes para sa isang simpleng dinner, ilang taon mula nang huli silang magsama-sama sa iisang dance floor at teleserye.

Sa isang Instagram post, makikitang magkakasama sina Rochelle Pangilinan, Jopay Paguia-Zamora, Mia Pangyarihan, at Sunshine Garcia.

Ayon kay Jopay sa caption ng naturang post, “Kami ang ORIGINAL members ng anong group???”

 

kami ang ORIGINAL members ng anong group???

A photo posted by Diofanny Paguia-Zamora (@jopaypaguiazamora) on


Matatandaang bukod sa pag-pe-perform sa longest-running noontime show na “Eat Bulaga!” at paglabas sa ilan pang programa, bumida rin ang Sexbomb Girls sa top-rating afternoon drama series na “Daisy Siete” sa loob ng anim na taon.

Pinasikat ng Sexbomb Girls ang mga awitin tulad ng "Spageti Song," "Bakit Papa," at "Bilog na Hugis Itlog." — Bianca Rose Dabu/AT, GMA News