DongYan wedding organizers to head preparations for Maria Letizia's christening
Muling magsasama-sama ang mga naging bahagi ng tagumpay ng kasalang Dingdong Dantes at Marian Rivera, o ang tinaguriang Kapuso Royal Wedding, noong December 2014 upang paghandaan naman ang binyag ng unica hija nilang si Maria Letizia.
Nitong Sabado, ipinasilip sa Facebook page ni Dingdong Dantes ang larawan mula sa nasabing meeting, na pinangungunahan mismo ng Kapuso Primetime Queen.
“The team behind DM is once again collaborating for Letizia's baptism. This time, we are privileged to be joined by THE Dedet Santos of Pepita's. This intimate event will be headed by one of Z's Ninangs, Teena Baretto, and styled by Gideon Hermosa,” ayon dito.
The team behind DM is once again collaborating for Letizia's baptism. This time, we are privileged to be joined by THE...
Posted by Dingdong Dantes on Friday, February 5, 2016
Ayon naman kay Dedet Santos ng Pepita's Kitchen sa isang Instagram post, “The Lechon Diva is happy and honored to be part of the intimate celebration of Dong & Marian's Baby Z's baptism. The Lechon Diva is happy to go out of her comfort zone for a very special couple who loves Pepitas de Leches. All the best from Pepita's Kitchen will be prepared for this very special occasion.”
Sa naunang pahayag, sinabi ni Dingdong na plano nilang isagawa ang binyag ng kanilang anak ngayong Pebrero, at nais raw nilang maging ninong at ninang nito ang kanilang mga kaibigang maaaring gumabay kay Maria Letizia, lalo na pagdating sa pananampalatayang Kristiyano.
Dagdag pa rito ng Kapuso Primetime King, nalalapit na rin daw ang pagbabalik-showbiz ng kaniyang asawang si Marian matapos ang panandalian nitong pagpapahinga mula noong nakaraang taon.
"Siyempre pretty soon babalik na rin sa trabaho, so back to regular programming na 'yan," paliwanag ng aktor. — Bianca Rose Dabu/AT, GMA News