Alden and Maine show silly side in behind-the-scenes videos
Hindi naiwasang magkulitan ng phenomenal Kalyeserye loveteam na sina Maine Mendoza at Alden Richards sa likod ng camera kasabay ng shooting para sa pinakabago nilang commercial.
Kitang-kita sa mga behind-the-scene videos mula sa Snapchat ng Dubsmash Queen at Kalyeserye sweetheart ang pagiging malapit at magkasundo ng dalawa.
A video posted by Maine Mendoza | Snapchat (@divinaursulasc) on
A video posted by Maine Mendoza | Snapchat (@divinaursulasc) on
A video posted by Maine Mendoza | Snapchat (@divinaursulasc) on
Kamakailan lamang, ipinakita na ang pinakabagong commercial na pinagbibidahan ng AlDub.
Ibinahagi sa publiko nitong nakaraang Sabado ang pinakabagong TV commercial para sa “Lucky Me!” kung saan naging inspirasyon ang sinaunang panahon gaya ng kuwento ng pag-iibigan nina Nidora at Anselmo sa Kalyeserye.
Napuno rin ng kilig ang commercial ng pinakamainit na tambalan ngayon para sa “Lemon Square” na may hashtag pang #MaiFillingDen. — RSJ, GMA News