ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
SNEAK PEEK

Ryza Cenon stars in sexy lingerie photo shoot


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Bida ang “Buena Familia” actress na si Ryza Cenon sa isang sexy lingerie photo shoot na pinangunahan ng fashion photographer na si Xander Angeles.

Hindi pa man ipinaaalam ng aktres kung para saan ang nasabing photo shoot, ipinasilip na niya sa kaniyang followers ang ilan sa mga behind-the-scene photo mula rito.

 

Soon.??

A photo posted by Ryza Cenon (@iamryzacenon) on

 

 

BTS | SOON ????

A photo posted by Ryza Cenon (@iamryzacenon) on

 

Labis ang paghahandang ginawa ni Ryza para sa nasabing lingerie photo shoot, kaya naman todo-suporta rin ang kaniyang mga kaibigan sa panibagong project na ito.

Sa isang Instagram comment, binati ng aktres na si Angelu de Leon ang kaniyang co-star sa “Buena Familia.”

Pabirong sabi niya, “I'm happy for you kasi makakakain ka na. LOL! Ano gusto mong dalhin ko sa'yo sa taping?”

“Sweet naman! Hmmm ano kaya? Fish balls?” sagot naman ni Ryza. —Bianca Rose Dabu/KBK, GMA News

Tags: ryzacenon