ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Geoff Eigenmann offers fellow restaurateurs some tips
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Magkasamang nagpatayo ng restaurant ang magpinsang Geoff Eigenmann at Gabby Eigenmann kamakailan lamang, at humahakot na agad sila ng mga loyal customers na binabalik-balikan hindi lamang ang masarap na pagkain, kundi maging ang magandang serbisyo.
Sa episode ng “Taste Buddies” nitong nakaraang linggo, ibinahagi ni Geoff ang ilan sa mga sikreto nila upang makaakit ng maraming customers araw-araw.
Aniya, malaking bagay raw ang pakikisalamuha sa mga taong tumatangkilik ng inyong negosyo.
Hindi rin daw dapat magpadala sa galit o inis sa tuwing mayroong masungit na customer.
Paliwanag ng aktor, “I guess with any restaurant, pinagdadaanan 'yan. Always just be polite lang to whoever the customer is kasi the customer is always right. Their satisfaction is always the number one priority nung restaurant.”
“If they're not happy, kung saan man we try to talk to them kung ano 'yung puwede naming baguhin. Try to fix whatever the problem is. On our part gawin pa rin namin tama ang lahat para at least kahit hindi siya happy sa time na pinunta niya, maybe next time he'll give it another chance,” dagdag pa niya.
Mahalaga rin daw sa panahon ngayon ang pagiging aktibo ng isang negosyo sa social media dahil dito na nakatutok ang mga tao para sa iba't ibang uri ng updates.
Sakaling nais niyo ring magtayo ng isang restaurant, payo ng aktor, “Mahirap siya, a lot of things to consider. Pero if your gut tells you do it, do it. If everything feels right, suck it all up and eventually you'll succeed.”
Maaaring bisitahin ang The Stockpile restaurant sa Sapphire Bloc, Sapphire Road, Pasig City. — Bianca Rose Dabu/DVM, GMA News
More Videos
Most Popular