Filtered By: Showbiz
Showbiz

James Yap’s Italian girlfriend is five months pregnant


Maglilimang buwang buntis na ang Italian girlfriend ni James Yap na si Michela Cazzola.

“Yes, I am. Four months, going on my fifth month,” pagkumpirma ni Michela sa beteranong entertainment columnist na si Ricky, na lumabas sa column nito sa Philippine Star, Huwebes, February 25.

Inaasahang manganganak ang girlfriend ng basketbolista sa third quarter ng taon.

Sa Pilipinas din daw planong manganak ng partner ni James.

Samantala, magandang balita ito para kay James na nagdiwang ng kanyang ika-35 taong birthday nito lamang February 15.

Nagkakilala sina James at Michela, 32, noong 2012 at naging magkarelasyon sa pareho ring taon.

Isang secretariat specialist si Michela sa Asian Development Bank (ADB) sa loob ng walong taon.

May anak si James sa dati nitong asawa na si Kris Aquino, si Baby James Aquino-Yap o Bimby, na walong taong gulang.

Inamin din ng cager noong 2014 na may anak siya sa isa pang ex-girlfriend, bago pa si Kris.

Sa hiwalay na report, tinanong ng PEP kung alam na ba ng dati niyang asawa na si Kris Aquino ang tungkol sa pagbubuntis ni Michela bago ito lumabas sa press.

Ayon kay James, “Di niya alam. Ngayon alam na niya, lumabas kay Tito Ricky.”

Sinundan namin ng tanong kung ito ba yung binanggit ni Kris sa huling post niya sa kanyang website na nagkaroon daw sila ng kaunting di pagkakaunawaan.

Paglilinaw ng PBA player, “Iba yung nagkaroon kami ng konting isyu.”

Tinanong din namin kung nabanggit na ba niya ito sa anak nila ni Kris na si Bimby.

“Di pa kami nagkikita, e,” sagot ni James sa text.

Nagpasalamat na lang si James sa ilang kaibigang nakakaalam sa kalagayan ni Michela, dahil nanahimik sila at hinintay ang pag-amin nilang dalawa.

Nangako naman si James na magpapa-interview sila ni Michela kapag handa na sila. -Pep.ph