Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ogie Alcasid dedicates ‘Ikaw Ang Buhay Ko’ album to wife Regine


Hindi naitago ng Asia's Songbird at “Sarap Diva” host na si Regine Velasquez ang kaniyang kilig nang mabasa ang dedication ng kaniyang asawang si Ogie Alcasid sa pinakabagong album nito na pinamagatang “Ikaw Ang Buhay Ko.”

Ayon kay Ogie, “This album is dedicated to my beautiful wife. After five years of being married to her, I celebrate the joys and the challenges of marriage with a human being who is kind, giving, loving, funny, and most of all God-fearing. It is indeed a blessing to be married to someone who loves the Lord as much as I do as He has prepared us for the hills and valleys of our married life.”

“As far as we are from perfect, He loves us so much that He takes care of every aspect of our union through hope, faith, and love. Samalat, mahal. Ikaw ang buhay ko,” dagdag pa niya.

 

A photo posted by reginevalcasid (@reginevalcasid) on

Simple at maikli naman ang naging sagot ni Regine.

“Soon ?? #namatayakonglight #hindikokinayato ???? salamat mahal @ogiealcasid,” aniya sa isang Instagram post nitong nakaraang linggo.

Bukod sa kaniyang career bilang singer at host, magbabalik-telebisyon rin si Regine bilang artista sa upcoming Kapuso teleserye na “Poor Señorita,” kasama sina Miakel Daez, Jillian Ward, at marami pang iba.

Abala rin ngayon ang mag-asawa sa pag-aalaga sa kanilang unico hijo na si Nate, na magli-limang taon na ngayong 2016. — Bianca Rose Dabu/LBG, GMA News