Filtered By: Showbiz
Showbiz

Maine Mendoza addresses hackers after Instagram account restoration


Naibalik na sa "Eat Bulaga!" host at Kalyeserye sweetheart na si Maine Mendoza ang kaniyang Instagram account nitong Lunes matapos itong ma-hack sa ikalawang pagkakataon noong nakaraang linggo.

Sa isang Instagram post nitong Martes, nagpasalamat ang phenomenal TV personality sa tumulong upang maibalik ang kaniyang account at ang mga larawan dito.

Aniya, "My Instagram account is back! Big thanks to Sir @CarloOple for helping me retrieve my account and my photos! You don't know how happy I am right now! Saktong-sakto sa birthday ko!"

Nagbigay rin ng mensahe si Maine sa mga taong sinusubak pa ring i-hack ang kaniyang social media accounts.

Ayon sa dalaga, hindi siya makapaniwala na mayroong mga taong naglalaan ng oras para sa mga ganitong gawain.

"To those who are STILL trying to get into my social media accounts, naku naku naku may kalalagyan din kayo. It's actually crazy how much effort people put into trying to ruin someone else's life...but no, never will I give someone who is trying to bring me down the satisfaction of succeeding," sabi ng Kalyeserye star.

Pagtatapos ni Maine, "Tip: Do yourselves a favor and do something worthwhile with your time. Don't go around messing with other people's lives just cause *clears throat* your life sucks. (credits to maichardpng for the maine emoji lol)"

Matatandaang nauna nang na-hack ng grupong Anonymous Philippines ang Twitter at Instagram account ni Maine noong nakaraang taon. — RSJ, GMA News

Tags: mainemendoza