Barbie Forteza wins Best Actress award at int’l film fest in Portugal
Hinirang bilang Best Actress sa naganap na 36th Fantasporto International Film Festival ang Kapuso star na si Barbie Forteza para sa kaniyang pagganap sa independent film na “Laut,” sa ilalim ng direksyon ni Louie Ignacio.
Nitong Linggo, ibinahagi ng batikang direktor ang magandang balita sa pamamagitan ng isang Instagram post.
Ayon kay Direk Louie, “Congratulations @barbaraforteza for winning Best Actress for LAUT- 36th Fantasporto International film Festival , Oporto, Portugal!!!! Soooo proud of you Barbie!!!!!! International Best actress ka na!!!!! Love you!!!”
Naunang ipinalabas ang “Laut” sa Singkuwento International Film Festival noong Pebrero 19.
Labis naman ang pasasalamat ni Barbie sa pagkilalang natanggap niya, at sinabi pa sa isang Instagram comment na hindi siya makapaniwala sa karangalang ito.
Sagot naman ni Direk Louie sa Kapuso actress, “Hindi ako nagkamali sa first choice ko! Barbie, sobrang laki ng tiwala ko sa'yo! So proud of you! And from the whole Laut tem, congratulations!”
Muito obrigado ???????????????????????? #36thOportoInternationalFilmFestival #LAUTbyLouieIgnacio https://t.co/pTCzYiiSta
— Barbie Forteza (@dealwithBARBIE) March 5, 2016
Iginawad rin sa pelikulang “Laut” ang Special Mention of the Jury sa nasabing international film festival.
Bukod sa kaniyang pagbida sa independent films, abala ngayong si Barbie sa kaniyang pagganap bilang Maru sa Kapuso Primetime series na “That's My Amboy,” kasama sina Andre Paras, Meryll Soriano, Jazz Ocampo, at marami pang iba. — Bianca Rose Dabu/BM, GMA News