ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Maine Mendoza at EB Babes, humataw sa Boracay


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tila sinulit talaga ng Dubsmash Queen at Kalyeserye sweetheart na si Maine Mendoza ang kaniyang sadaling bakasyon nitong nakaraang Linggo matapos niyang ipagdiwang ang kaniyang 21st birthday noong March 3.

Tumungo sa Boracay ang dalaga nitong Linggo kasama ang kaniyang mga kaibigan at ang Pambansang Bae na si Alden Richards.

Bukod sa activities gaya ng parasailing, jet ski riding at marami pang iba, nakipagsabayan din si Maine sa pagsayaw kasama ang EB Babes.

Sa isang maikling video mula kay EB Babe Lyka, makikitang humahataw ang “Juan For All, All For Juan” host kasama sina EB Babe Rose Ann, EB Babe Aizel, EB Babe Lyka at iba pang kaibigan sa saliw ng awiting “Work” ni Rihanna.

 

Work ???????????????? @mainedcm @itsmehopia @iamjccontreras23 @ebbabe_lezia #aldub #maichard #boracay2016

A video posted by Lyka Relloso (@ebbabelyka) on

 

 

Nitong Lunes, inamin ni Alden na umarkila pa siya ng isang private plane upang masorpresa ang kaniyang ka-loveteam nitong Linggo sa Boracay.

Napaaga man ang pag-uwi ng binata sa Maynila, hindi naman maikakailang nag-enjoy talaga ang dalawa sa kanilang weekend beach getaway.

Kabilang sa mga activities na magkasamang ginawa ng AlDub ang pagsakay sa speedboat, snorkeling, parasailing at jet skiing. —Bianca Rose Dabu/KBK, GMA News