advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

‘Eat Bulaga!’ gives sneak peek of this year's Lenten Special


Ipinasilip ng “Eat Bulaga!” nitong nakaraang linggo ang mga programang ipapalabas nila para sa kanilang taunang Lenten Special, kung saan magkakaroon ng pagkakataon ang mga host na bumida sa mga madramang programa na kapupulutan ng aral.

Limang kuwento ang inihanda ng longest-running noontime show para sa mga Dabarkads ngayong Holy Week.

 

 

Bibigyang-buhay nina Joey de Leon, Pia Guanio, Ryan Agoncillo, Jimmy Santos, at Anjo Yllana ang kuwentong “Dalangin ng Ama” sa Holy Monday, na masusundan ng “Kaputol ng Buhay” na pagbibidahan naman nina Lola Nidora, Tidora, Tinidora, at Divina.

Sa Holy Tuesday mapapanood sa “Walang Kapalit” sina Allan K., Ruby Rodriguez, Patricia Tumulak, at Kenneth Medrano, at sa “Panata” naman sina Vic Sotto, Pauleen Luna, Baste, Ryzza Mae Dizon, Danica Sotto, at Oyo Boy Sotto.

Bibida naman sa Holy Wednesday sina Jose Manalo, Wally Bayola, Ciara Sotto, Alden Richards, Maine Mendoza, at Jake Ejercito para sa “God Gave Me You.”

 

Go Maine and Jose! #EBLentenSpecial #KaputolNgBuhay #JoseManalo #MaineMendoza #Divina #Tinidora #KalyeSerye #Aldub

A video posted by Heriza (@herizamae_ocmer) on


 

 

Kaiba sa hatid nilang saya, kilig, at papremyo araw-araw, hatid ng “Eat Bulaga!” tuwing Holy Week ang mga nakakaantig na kuwentong kapupulutan ng aral ng mga manonood. 

Mapapanood ang Eat Bulaga Lenten Special simula March 21 hanggang March 23. — Bianca Rose Dabu/AT, GMA News

LOADING CONTENT