ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Who is Jean Garcia's favorite person in the world?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Proud lola ang batikang aktres at “Love Hotline” host na si Jean Garcia kaya naman hindi niya ikinakaila ang labis na pagmamahal sa kaniyang apo na si Athena Mori, ang panganay na anak ni Jennica Garcia at ng asawa nitong si Alwyn Uytingco.

Sa isang Instagram post nitong Linggo, ibinida ni Jean sa kaniyang followers ang kaniyang nag-iisang apo. 

Aniya, “She is truly my favorite person in the world! May you be healthy and happy always!! Isn't she a beauty?!!! Proud LALA here!!! I love you with all my heart baby love!!!” 

Dagdag pa sa mensaheng ito ang mga hashtag na “Baby Love,” “Happiness,” “Blessed beyond belief,” “Grateful,” at “To God be the glory.”

Matatandaang isinilang si Baby Mori nitong Hulyo ng nakaraang taon. -- VVP, GMA News

Tags: jeangarcia