Maine Mendoza shows off her and Alden Richards’ matching friendship bracelets
Ipinasilip ng Kalyeserye sweetheart na si Maine Mendoza ang friendship bracelet nila ng kaniyang ka-loveteam at Pambansang Bae na si Alden Richards, na nakuha nila nang mag-bakasyon sila sa Boracay noong nakaraang buwan.
Sa isang video post mula sa mga tagahanga ng phenomenal AlDub loveteam, sinabi ng dalaga na mahalaga sa kanilang dalawa ang naturang bracelet.
Aniya, “Nakuha namin ito ni Alden sa Boracay. Special sa amin ito. Kapag suot ko, feeling ko magkasama kami.”
'Pag suot ko siya feeling ko, like, parang magkasama kami. #ALDUBAngPagtatapat #aldub #maichard
A video posted by Mungkawkaw (@aboutaldub16) on
Sa episode ng “Juan For All, All For Juan” segment ng “Eat Bulaga!” nitong Martes, makikitang suot ni Alden ang kaparehong bracelet na tinutukoy ni Maine.
Bukod dito, suot rin niya ang kakaibang friendship bracelet na inilagay sa kaniya ng dalaga—ang Scotch tape "bracelet."
Ayon kay Alden, “Kahapon, pinaglalaruan niya 'yung braso ko, tapos naglagay siya ng Scotch tape. Sabi niya, kapag hindi ko raw ito suot ngayon, friendship over na daw... Naliligo ako, suot ko ‘to. Binalutan ko ng plastic.”
friendship bracelet scotch tape ????
— MDUnderCoverPH™ (@MDUnderCoverPH) April 26, 2016
friendship forever..sweet ng dalawang to ...#ALDUBAngPagtatapat
©wm pic.twitter.com/RG0VGRx8pA
Kasalukuyang abala ang phenomenal Kalyeserye loveteam sa paghahanda para sa kanilang pagbibidahang pelikula, na inaasahang ipapalabas ngayong taon kasabay ng unang anibersaryo ng kanilang loveteam sa telebisyon. — RSJ, GMA News