ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Marian Rivera, Boobay play ‘Larong Pinoy’ with kids in ‘Yan Ang Morning!’


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Para sa ikalawang episode ng pinakabagong Kapuso morning talk show na “Yan Ang Morning!” nitong Martes, pinangunahan ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera at ng kaniyang best friend at co-host na si Boobay ang paglalaro ng Larong Pinoy kasama ang ilang mga bata.

Kabilang sa mga nilaro nila ang Tumbang Preso at Sangkayaw.

Nakisaya rin sa maagang palaro na ito ng “Yan Ang Morning!” ang komedyanteng si Boobsie at ang aktres na si Angelu de Leon. — Bianca Rose Dabu/DVM, GMA News