ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Kapuso reporter Mark Zambrano shows full support for ‘Traffic Diva’ Aicelle Santos


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Usap-usapan ngayon ang relasyon sa pagitan ng “Traffic Diva” at Kapuso singer-host na si Aicelle Santos at ng GMA News reporter na si Mark Zambrano dahil sa kani-kanilang sunod-sunod na sweet posts sa social media.

Nitong Miyerkules nga, todo-suporta si Mark kay Aicelle habang nasa gitna ito ng kalsada para sa “Traffic Diva” segment ng “Eat Bulaga!”

Ayon kay Mark sa isang Instagram post, “Kung ganito kaganda katabi ko sa kalye araw araw, sana palagi na lang traffic. #mytrafficdiva #AiMark”

Hindi pa man opisyal na kinukumpirma ng dalawa ang estado ng kanilang relasyon, inamin naman ni Aicelle nitong Miyerkules na masaya ang kaniyang puso matapos siyang tanungin ng mga Dabarkads.

 
 
 

Kung ganito kaganda katabi ko sa kalye araw araw, sana palagi na lang traffic. #mytrafficdiva #AiMark

A photo posted by Mark Zambrano (@markzambrano) on

 

Kamakailan lamang, makikita rin ang pagiging sweet nina Mark at Aicelle habang kasama nila ang kanilang mga kaibigan.

Nakasama na rin ng TV reporter ang mga pinsan ng “Traffic Diva” sa isang bonding session nitong nakaraang linggo.

 
 
 
 

Cousins and Ukes

A photo posted by Aicelle Santos (@aicellesantos) on

 
 
Silipin ang ilan pa nilang palitan ng sweet messages sa social media:
 
 
 
— Bianca Rose Dabu/AT, GMA News