ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Pelikula nina Alden Richards, Maine Mendoza, may working title na!


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tampok ang phenomenal Kalyeserye loveteam nina Maine Mendoza at Alden Richards sa La Provincia, isang Italian news website, ilang araw lamang matapos magsimula ang shooting para sa kanilang kauna-unahang solo movie. 

Kabilang sa mga location na gagamitin para sa kanilang pelikula ang Piazza Cavour at Lake Como.

 
 
 
 
 
 

 

Bukod sa AlDub, naroon rin ang mga bumubuo ng APT Entertainment, tulad ng batikang direktor na si Mike Tuviera at 35 pang crew.

Ayon pa sa La Provincia, kasalukuyang ginagamit ang working title na “Imagine You and Me” para sa pelikulang ginagawa ni Alden at Maine, na inaasahang ipapalabas ngayong taon kasabay ng kanilang unang anibersaryo bilang isang loveteam.

Mananatili umano ang loveteam at ang film crew sa Italy hanggang sa pagtatapos ng Mayo. — Bianca Rose Dabu/AT, GMA News

Tags: multimedia