ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Bea Binene launches new bag line


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hindi na lamang sa pag-arte nagpapakitang-gilas ang Kapuso actress at “Hanggang Makita Kang Muli” star na si Bea Binene, dahil nagiging abala na rin siya ngayon sa kaniyang iba't ibang negosyo.

Nitong Linggo, masayang inilunsad ng aktres ang kaniyang bagong bag line.

Kasama ni Bea sa kaniyang online business na “The Style Bin” ang fashion stylist na si L.A. Ferriols.

Kamakailan lamang, naitampok na ang iba't ibang bag designs nina Bea at L.A. sa iba't ibang bazaars, tulad na lamang ng Heatwave Clearance Sale nitong nakaraang linggo sa World Trade Center sa Pasay City.

Bukod sa kaniyang bag line, abala rin si Bea sa kaniyang online baking business na “Bea Bakes”, na inilunsad niya naman nitong Enero. — Bianca Rose Dabu/AT, GMA News