Filtered By: Showbiz
Showbiz

Judy Ann Santos' cookbook among Gourmand's ‘Best in the World’


Kabilang ang librong “Judy Ann's Kitchen” ng batikang aktres na si Judy Ann Santos sa mga kinilala sa Gourmand World Cookbook Awards 2016.

Taon-taon, pinararangalan ng Gourmand International ang pinakamahusay na printed o digital food and wine books, pati na ang pinakamahusay sa food television.

Nakuha ng libro ni Judy Ann ang ikatlong pwesto sa kategoryang “Best Authors and Chefs outside Europe.” 

 

Ayon sa aktres, “Oh my!!! Tumalon ang puso ko!! Never really expected this. But, oh wow! I am beyond grateful!! To the whole team who helped in making my dreams come true, cheers to us!!! Maraming maraming maraming salamat po!!”

“@ryan_agoncillo thank you for always believing in my passion.. I love you!” dagdag na mensahe niya pa para sa kaniyang asawa.

 

Magkasama naman sa unang puwesto ang mga librong “As Melhores Receitas Do Mais Voce” ni Ana Maria Braga ng Brazil,  at “My Sucre Story” ni Fazley Yaakob ng Malaysia.

Ayon sa Gourmand International, humigit-kumulang 205 na bansa ang lumalahok sa kanilang parangal kada taon.

Kasabay ng tagumpay na ito, naghahanda na rin si Juday para sa kaniyang pagbida sa pelikulang “Kusina,” na inaasahang makakabilang sa mga pelikulang kalahok sa Cinemalaya Independent Film Festival 2016. — Bianca Rose Dabu/AT, GMA News

LOADING CONTENT