ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Mark Herras, Wyn Marquez in HK for their first trip as a couple


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kitang-kita sa kani-kanilang social media posts nitong mga nakaraang linggo ang pagiging sweet ng magkasintahan at Kapuso star na sina Mark Herras at Wyn Marquez.

Nitong nakaraang weekend lamang, nagtungo sa Hong Kong ang dalawa para sa kanilang kauna-unahang international trip bilang magkasintahan.

Ayon kay Mark sa isang Instagram post, “Yup!! our first trip together! Thank you for being with me, ga. You're the only person I want to be with... Hanggang sa susunod at marami pa nating trip!! I love you!! Ikaw lang!”

Nagpaabot rin ng kanilang pasasalamat ang dalawa sa mga sumusuporta sa kanilang relasyon at nagbibigay ng mga positibong mensahe sa kanila sa pamamagitan ng social media.

“Sa mga Pinoy na lumapit sa amin, salamat at napakabait niyo po sa aming dalawa ni @angelo_herras! And to those people who are commenting and nagla-like sa photos namin, you guys are so sweet! Nababasa po namin lahat. Glad you like our photos,” pahayan ni Wyn.

Kabilang sa mga pinuntahan ng dalawa ang sikat na Hong Kong Disneyland at Ocean Park Hong Kong.

 

Disneyland!???? #GuessPh

A photo posted by Wyn Marquez (@wynmarquez) on

 

sobra akong nag enjoy panggga :) sana ikaw din ?????? I love you!!! #FirstOutOfTheCountryTrip

A photo posted by HerrasMarkAngelo (@angelo_herras) on

 

Mesmerized. ????????

A photo posted by Wyn Marquez (@wynmarquez) on

Bukod sa kanilang mga  larawan, ibinahagi rin ni Mark ang isang sweet video nila ni Wyn habang kumakain.

Panoorin ang pagpapalitan nila ng mensahe sa Instagram post na ito:

 

anu daw???? ???? @wynmarquez

A video posted by HerrasMarkAngelo (@angelo_herras) on

— Bianca Rose Dabu/LBG, GMA News