Filtered By: Showbiz
Showbiz

Is Baby Luna Agoncillo a ‘Little Ryan’ or a ‘Little Juday’?


Labis na ikinatuwa ng netizens ang panibagong larawan ni Baby Luna na ibinahagi ng kaniyang ina at batikang aktres na si Judy Ann Santos nitong nakaraang linggo.

Ipinagdiriwang ng aktres, ng kaniyang asawang si Ryan Agoncillo at mga anak na sina Yohan at Lucho ang ikalimang buwang kaarawan ng kanilang bunso nitong Miyerkules.

Mula nang ipinanganak si Baby Luna, magiliw na siyang tinatawag ng pamilya bilang “Lunnie Bunny.”

Sa pinakabagong post ni Juday, kani-kaniyang opinyon ang netizens kung sino na ang kamukha ng cute na baby.

 

 

Happy 5th my bunnie! ????????

A photo posted by Judy Ann Santos-Agoncillo (@officialjuday) on

 

Ayon sa ilan, kuha ni Baby Luna ang mukha ng kaniyang ina at ang kutis ng kaniyang ama, habang may ilan namang nagsasabing nangingibabaw ang facial features ni Ryan sa mukha ng kanilang bunsong anak.

Anong sa tingin niyo, Kapuso—Little Juday o Little Ryan ba si Baby Luna? — BAP, GMA News

LOADING CONTENT