ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kristine Hermosa shares why she chose to stay away from drama, showbiz


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Magbabalik-telebisyon ngayon ang kilalang aktres na si Kristine Hermosa bilang bahagi ng pinakabagong Kapuso comedy series na "Hay Bahay!" kasama sina Bossing Vic Sotto, AiAi Delas Alas, Oyo Boy Sotto, Jose Manalo, at Wally Bayola.

Dahil matagal siyang nawala sa showbiz upang tutukan ang pag-aalala sa kaniyang mga anak, aminado si Tin na na-miss niya ang pag-arte sa harap ng camera.

Gayunpaman, hindi niya pinagsisisihan ang kaniyang desisyon na maging hands-on mom dahil naging bahagi siya ng paglaki nina Kristian, Ondrea, at Kaleb.

"Alam kong hindi ko mabibigay ang buong oras ko dahil gusto kong alagaan ‘yung mga anak ko. Kumbaga, gusto kong habang lumalaki sila, gusto kong nandoon ako at kasama nila ako," aniya sa naganap na press conference nitong Lunes.

Dagdag pa ng aktres, "Ito talaga ang pangarap ko. Ever since, gusto ko ng sarili kong pamilya."

Kasalukuyang apat na buwang buntis si Tin sa ikaapat na anak nila ng kaniyang asawang si Oyo Boy, at ito na raw ang kanilang ikatlong baby boy.

 

 

No to drama

Ngayong muli na siyang mapapanood sa telebisyon, inamin ni Tin na umiiwas muna siya sa drama projects.

Matatandaang nakilala ang aktres sa kaniyang mga nakakaantig na pagganap sa mga hit telenovela, tulad ng "Pangako Sa'yo," "Sana'y Wala Nang Wakas," "Dahil May Isang Ikaw," at marami pang iba.

"Napagod na ako. Taon-taon dati na parang in a year, nakakailang drama ako. Sa movie, drama rin. Na-burn out na rin siguro. At nakita ko na rin ‘yung hindi magandang bahagi ng industriya," paliwanag niya.

Sa kabila ng pagbabalik niya sa telebisyon, nais pa rin daw ng aktres na maging hands-on sa pagpapalaki ng kanilang mga anak.

Ayon kay Tin, "Alam ko sa sarili ko na if I do drama again, pag-uwi ko sa bahay, ano pang lakas ang mabibigay ko sa mga anak ko? Wala na. Draining siya. Dati nga na wala akong pamilya at asawa, nade-drain na ako. ‘Yung mga natitirang araw sa akin, sleep na lang o salon.

"Kapag ginawa ko ‘yun ngayon, kawawa ‘yung mga anak ko, ‘yung pamilya ko. ‘Yun ang sinasabi kong may masa-sacrifice ka talaga. Masyadong maraming araw ang kukunin nila at hindi ko kaya ‘yun. I cannot commit," dagdag pa niya.

Kabilang ngayon si Kristine sa mga bibida sa pinakabagong Kapuso comedy series na “Hay Bahay!” na mapapanood simula ngayong Linggo, June 19, pagkatapos ng “24 Oras Weekend.” — RSJ, GMA News