Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Meet the cast of AlDub's first solo movie ‘Imagine You and Me’


Matapos ibahagi sa publiko ang unang teaser at theme song para sa kauna-unahang solo movie ng phenomenal Kalyeserye stars na sina Maine Mendoza at Alden Richards nitong nakaraang linggo, unti-unti na ring ipinakikilala ang mga artistang makakasama nila sa "Imagine You and Me."

Kasabay ng pagpunta ng "Eat Bulaga!" stars sa Italy nitong Mayo, nakilala na ng AlDub Nation ang aktres na si Jasmine Curtis-Smith bilang isa sa mga makakasama sa nasabing pelikula. 

Nitong Sabado, ipinasilip naman ng batikang aktres na si Yayo Aguila ang isang larawan mula sa shooting ng inaabangang pelikula, na ipapalabas na sa mga sinehan ngayong July 13.

Kasama niya sina William Martinez, Luis Alandy, at Elijah Alejo, at sila umano ang gaganap bilang pamilya ni Gara, ang karakter na bibigyang-buhay ni Maine sa big screen.

 

Sa isang hiwalay na Instagram post, nagpasilip rin ng behind-the-scenes photo ang aktres at komedyanteng si Kakai Bautista, kasama sina Gerald Napoles at Cai Cortez.

Aniya, "Grateful for being a part of this AlDub milestone. Thank you po sa tiwala. Thank you God! You are Amazing!!"

 

Ipapalabas ang "Imagine You And Me" ngayong darating na Hulyo, kasabay ng unang anibersaryo nina Maine at Alden bilang on-screen love team at social media phenomenon. — Bianca Rose Dabu/AT, GMA News