Filtered By: Showbiz
Showbiz

Former Viva Hot Babes members are now hot moms!


Bumisita ang mga dating miyembro ng girl group na Viva Hot Babes na sina Maui Taylor, Andrea del Rosario, at Sheree sa Kapuso morning talk show na “Yan Ang Morning!” nitong Lunes upang ibahagai ang kanilang mga karanasan bilang ina.

Hands-on mom si Maui sa kaniyang anak na si Anton Miguel, at gayundin si Andrea kay Beatrice at si Sheree kay Gian Hailey.

Ayon kay Maui, “Masayang maging mommy, very rewarding. 'Yung uuwi ka ng bahay at the end of the day at pagod na pagod ka, tapos makikita mo 'yung anak mo, mawawala ang pagod mo. Totoo pala 'yun.”

“Nakakatuwa kasi you're not living only for yourself, but also for your child. Talagang mayroon ka nang best friend for life,” dagdag naman ni Andrea.

Bukod sa pagiging mommy, abala rin si Andrea bilang vice mayor ng Calatagan, Batangas.

Aniya, “That win is because of my daughter.”

Mayroon man silang kani-kaniyang trabaho at pinagkakaabalahan, nagsasama-sama pa rin daw ang mga dating miyembro ng kanilang girl group upang magkakilala at makapaglaro ang kani-kanilang mga anak.

 

 

Papayag kaya silang sumabak sa showbiz ang kanilang babies?

Ayon kay Maui, wala mang problema sa kaniya ang pag-aartista ng kaniyang anak, hindi raw papayag ang kaniyang asawa.

Para naman kay Andrea, “Okay lang. Sabi nga nila, basta ginagawa mo ang isang bagay ang you're passionate about it, you will never work a single day in your life. So, kung gusto niya, mahal niya, sige.”

“Ngayon, he's starting to sing. Pero kapag tinatanong ko, ayaw niya. Sabi sa akin, 'I don't want to be a singer, I want to be a pilot.' Minsan, ako pa ang nagpipilit sa kaniya na 'Sige na, kumanta ka na.' Sayang naman. Medyo mas mahilig mag-aral. Okay na 'yun,” pahayag naman si Sheree. — Bianca Rose Dabu/AT, GMA News

LOADING CONTENT