ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

The official movie poster for ‘Imagine You And Me’


Ipinakita na sa publiko nitong Huwebes, June 23, ang official movie poster ng “Imagine You And Me,” ang kauna-unahang solo movie ng phenomenal Kalyeserye stars na sina Maine Mendoza at Alden Richards.

Matapos magtungo ang AlDub sa Cebu nitong Miyerkules upang i-promote ang kanilang pelikula, inilabas naman ang official movie poster ngayong araw kasabay ng kanilang 49th weeksary.

 

 

Bukod sa “Imagine You And Me,” na kinunan pa sa iba't ibang bahagi ng Italy, marami pang inihandang sorpresa sina Alden at Maine para sa pagdiriwang ng kanilang unang anniversary bilang loveteam ngayong darating na Hulyo.

Ayon sa Pambansang Bae sa naunang pahayag, “Patikim pa lang itong movie. Kulang pa. Everything else is a surprise. The whole idea of Kalyeserye is being on-the-spot, so we will stick with surprises na spontaneous at hindi masyadong planado.”

Ipagdiriwang ng AlDub ang first anniversary ng kanilang love team sa July 16, at ipapalabas naman sa mga sinehan ang “Imagine You And Me” sa darating na July 13.

Kabilang rin sa mga bibida dito sina Jasmine Curtis-Smith, Yayo Aguila, William Martinez, Luis Alandy, Elijah Alejo, Cacai Bautista, Jerald Napoles, Cai Cortez, at marami pang iba. — Bianca Rose Dabu/AT, GMA News