Mark Herras at Wyn Marquez, kumasa sa #TrumpetsChallenge
Hindi nagpahuli sa viral na “Trumpets Dance Challenge” ang real-life couple na sina Mark Herras at Wyn Marquez, na bukod sa pagiging magagaling na artista ay kilala rin sa kanilang galing sa dance floor.
Kitang-kita ang pag-eenjoy ng dalawa habang sumasayaw sa backstage ng isang event.
Ayon kay Wyn, “Here it is!!! Well....we tried haha nag enjoy kami ni @angelo_herras sumayaw sayaw sa backstage hahaha! ka-pagod?? hahaha #trumpetschallenge”.
Mapapanood araw-araw si Mark sa GMA Afternoon Prime series na “Sa Piling Ni Nanay” kasama sina Yasmien Kurdi, Katrina Halili, Nova Villa, Bettinna Carlos, at marami pang iba.
Bida rin ang Kapuso actor sa pinakabagong comedy series na “Conan, My Beautician,” na mapapanood tuwing Linggo, kasama sina Megan Young, Cacai Bautista, Lotlot de Leon, Jay Manalo, Jerald Napoles, Betong Sumaya, Boopsie, Tetay, Chlaui Malayao, Balang, at Vangie Labalan. — Bianca Rose Dabu/BM, GMA News