Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ai Ai Delas Alas on phone coversation with Jiro Manio: ‘Buhay na buhay pa siya!’


 Pinabulaanan ng Kapuso actress at batikang komedyante na si AiAi Delas Alas ang mga masasamang balitang kumakalat tungkol sa kalagayan ng dating child actor na si Jiro Manio, na itinuring na niyang anak-anakan mula nang magsama sila sa “Tanging Ina” films.

Nakarating sa “Sunday Pinasaya” ang usap-usapang sumakabilang-buhay na raw si Jiro, kaya naman pinili niyang patunayang nabubuhay pa ito sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang pag-uusap sa telepono nitong Huwebes.

Aniya, “Nag-text ang press sa akin kahapon tinatanong about Jiro. Nabalita yata na patay or whatever... Para sa kaalaman ng lahat, BUHAY NA BUHAY PO SI JIRO... Share ko lang ang conversation namin ngayong umaga. Okay siya, ALIVE NA ALIVE!”

Sa kanilang pag-uusap, nagtanong ang dating child actor kung kailan muli bibisita ang kaniyang nanay-nanayan, at nangako naman si AiAi na pupuntahan niya ito sa loob ng dalawang linggo.

“Maraming salamat po. Mag-ingat po kayo lagi. Pumupunta nga po pala dito sila daddy. Dinadalawa po ako. Pinapakain rin ako,” pagbabahagi ni Jiro.

 

Nakikiusap si AiAi sa mga tao na iwasan ang pagpapakalat ng maling balita, at isipin munang maigi ang anomang isusulat o ibabahagi sa social media.

Ayon sa Comedy Concert Queen sa text message na ipinadala niya kay Nelson Canlas, “Okay siya. Nasa loob siya ng rehab sa malayong lugar. Don't worry. He's okay. May lagnat lang daw noong isang araw but he's okay now sabi ng doktora.” — VVP, GMA News

LOADING CONTENT