Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Marian Rivera makes cameo appearance in ‘Imagine You & Me’


Kabilang ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa mga sumuporta sa Grand Premiere Night ng “Imagine You & Me,” ang kauna-unahang solo movie ng phenomenal Kalyeserye stars na sina Maine Mendoza at Alden Richards. 

Lingid sa kaalaman ng marami, may espesyal na papel rin na ginampanan ang Kapuso host-actress sa pelikula ng AlDub.

Sa isang Facebook post mula sa official fan page ni Marian, ipinasilip ang larawan mula sa nakakatuwang eksena niya kasama ang Kalyeserye sweetheart at Dubsmash Queen, kung saan tila gumanap bilang isang manghuhula ang Kapuso Primetime Queen.

Ayon sa netizens na nag-iwan ng comments sa naturang post, isa lamang si Marian sa mga nakakabigla at nakakatuwang cameo appearance sa pelikula.

Ipinalabas na ang “Imagine You & Me” sa mga sinehan sa Pilipinas simula nitong July 13.

Magkakaroon rin ito ng international screenings sa iba't ibang bansa, kabilang na ang Amerika, United Arab Emirates, Hong Kong, Canada, Singapore, at marami pang iba. — Bianca Rose Dabu/RSJ/JST, GMA News

Tags: marianrivera