advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

‘Wowowin’ to launch ‘Miss Wow 2016’, ‘Tawag ng Pangangailangan’


Patuloy na magpapasaya ang Kapuso game show na "Wowowin" ngayong muling pumirma ng kontrata sa GMA Network ang WBR Entertainment sa pangunguna ng batikang host na si Willie Revillame.

Kabilang sa mga aabangan ng mga manonood ngayong taon ang ilang bagong segments ng programa.

Kuwento ng kilalang TV personality, "May bagong segment kami na naiisip. Every day, tatawag ako sa mga bahay-bahay, three to five calls. Tatawagin itong 'Tawag ng Pangangailangan.'"

"Kung may pangangailangan sila na maibibigay namin, tatawag lang ako. Mag-re-register lang sila. Kahit nasaan sila sa Pilipinas, o kahit OFW, we'll call you. Bibigyan namin ng something na makakatulong kahit papaano," dagdag pa niya.

Sisimulan rin ngayong taon ang Miss Wow 2016, kung saan magtatagisan ng ganda, talino, at talento ang mga piling kababaihan.

Ayon kay Kuya Wil, "May segments pa na aayusin, pero ang importante, ang mga Pilipino ang bida sa programang ito. Hindi kami o ako."

"Ang ratings, you go up and down. Kapag bumaba, do something about it. But the main purpose of the show is mabigyan ng saya ang ating mga kababayan araw-araw, makatulong tayo in our little way," dagdag pa niya.

Nakatakda ring magkaroon ng international shows ang "Wowowin" para sa mga OFW sa iba't ibang panig ng mundo, na walang-sawang sumusuporta at nagmamahal sa programa ni Willie

Ayon kay GMA Network President Gilberto R. Duavit, Jr., "Mayroon nang pinag-aaralang show sa ibang bansa. Si Willie ay popular at mahal na mahal ng mga kababayan natin sa ibang bansa, kaya ngayon pa lamang, inaayos na at pinag-aaralan 'yung mga international shows ni Willie. We're very happy and excited." — AT, GMA News

LOADING CONTENT