ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sanya Lopez shares thoughts on falling for ‘Encantadia’ partner Rocco Nacino


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Magkakatambal sa kauna-unahang pagkakataon ang Kapuso stars na sina Sanya Lopez at Rocco Nacino bilang Sang'gre Danaya at Aquil sa remake at retelling ng hit Kapuso fantasy series na "Encantadia."

Ayon kay Sanya sa naganap na press conference nitong Hulyo, isang malaking karangalan para sa kaniya ang makatambal ang aktor, na itinuturing niyang isa sa mga pinakamagagaling sa industriya.

"Hindi ko alam na si Rocco Nacino kaya thankful ako kasi isa siya sa best actors dito. It's an honor na makatrabaho siya," aniya.

Maliban sa pagiging magkatrabaho, naging malapit na magkakaibigan na rin ang cast ng "Encantadia."

Sa katunayan, nagdadamayan nga raw sila sa tuwing mayroong humaharap sa problema sa likod ng camera.

Kabilang na rito ang pakikipaghiwalay ni Rocco sa kaniyang kasintahan at Kapuso actress na si Lovi Poe.

Inamin ng aktor sa naunang panayam na hanggang ngayon ay iniiyakan pa rin niya ang pinagdaanan nila ng dating kasintahan

Pagbabahagi ni Sanya, "Kapag may problema siya, nandiyan naman kami. Kahit hindi si Rocco, kahit sino ang kasama namin. Once na may problem, tutulong talaga kami."

From reel to real-life romance?

Ngayong parehas silang single, hindi naiwasan ng ilan na tanungin kung may posibilidad bang magkatuluyan sina Sanya at Rocco sa totoong buhay.

Ayon sa 19-year-old actress, nakatuon muna ang kaniyang pasin ngayon sa maayos na pagganap sa kaniyang karakter sa "Encantadia."

"Siguro hindi pa natin masasabi ngayon.  Never pa rin akong nagka-boyfriend.  Hindi ko pa feel. May nanliligaw pero wala akong maramdaman. Mas priority ko talaga ngayon ang career," aniya.

Gayunpaman, hindi niya raw isinasara ang kaniyang puso sa kaniyang ka-loveteam.

Paliwanag ni Sanya, "Why not? For me, sino bang hindi magkakagusto kay Rocco Nacino. Isa sa pinakagwapo sa industriya. Bakit hindi? Sa tamang panahon siguro."

"Sobrang gentleman niya. Kapag magkasama kami, nire-respect niya ako. So bakit hindi? Bakit mo naman hihindian 'yung ganoong klaseng tao? We'll see. Pero malayo-layo pa 'yan," dagdag pa niya.

 

 

A photo posted by Rocco Nacino (@nacinorocco) on

 

Bukod kay Sanya at Rocco, bida rin sa telefantasya sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, at Glaiza de Castro bilang Amihan, Alena, at Pirena.

Kasama rin sa mga magbibigay-buhay sa kuwento sina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera, Ruru Madrid, Rocco Nacino, Klea Pineda, James Teng, Buboy Villar, John Arcilla, Solenn Heussaff, at marami pang iba. — Bianca Rose Dabu / AT, GMA News