Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Ken Chan sings, gives preview of ‘My Destiny’ concert


Puspusan na ang paghahanda ng Kapuso actor na si Ken Chan para sa “My Destiny,” ang kaniyang kauna-unahang solo concert na magaganap sa Zirkoh Tomas Morato ngayong darating na Agosto.

Kabilang sa kaniyang special guests sa nasabing pagtatanghal sa August 19 sina Jeric Gonzales, Fabio Ide, Kim Rodriguez, Manilyn Reynes, at marami pang iba.

“Sana maka-date ko kayo sa gabing 'yun!” ayon kay Ken sa naunang pahayag.

Sa naganap na blog conference nitong nakaraang linggo, ipinasilip ng “Destiny Rose” star ang maaaring abangan ng kaniyang mga tagahanga sa kaniyang first solo concert.

 

Kamakailan lamang, nakabilang si Ken sa Yes! 100 Most Beautiful Stars of 2016 bilang isa sa Television Princes, kasama sina Rocco Nacino, Tom Rodriguez, at marami pang iba.

Matapos ang kaniyang natatanging pagganap bilang isang transgender sa GMA Afternoon series na “Destiny Rose,” nais naman ng aktor na masubukang gampanan ang iba pang challenging roles, sa telebisyon man o pelikula.

“Lalaking-lalaki naman sana. Gusto kong makaranas ng action para ibang-iba naman. Maganda rin 'yun. Pero as much as possible, gusto ko sa drama talaga,” aniya. — Bianca Rose Dabu / AT, GMA News