advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Inah De Belen explains reason behind her screen name


Balik-Kapuso na nitong Huwebes si Inah De Belen, ang panganay na anak ng dating mag-asawang sina John Estrada at Janice De Belen.

Kilala man siya sa tunay na buhay bilang Inah Estrada, gagamitin ni Inah ang apelyido ng kaniyang ina ngayong magiging aktibo muli siya sa showbiz.

Gayunpaman, wala raw dapat ikabahala ang publiko dahil walang issue sa likod ng screen name niyang ito.

Aniya, "Marami na kasing Estrada sa industry, so may mga nagtatanong, 'Ah, relative ka ni Joseph Estrada?' Ang daming naco-confuse."

"On the other hand, dalawa lang 'yung De Belen sa industry, so when they recognize me as Inah De Belen, alam agad nila na anak ako ni Janice (at John)," paliwanag pa niya. 

Hindi ba siya nag-aalinlangan na makilala bilang "anak ng artista"?

Simpleng sagot ni Inah, "I'm proud of my parents."

 
 
 
 

Ayon kay Inah, mayroon daw blessing mula kay John ang kaniyang napiling screen name.

Sa katunayan, todo-suporta raw ang kaniyang mga magulang ngayong papasukin na rin niya ang pag-arte.

Pagbabahagi ng Kapuso artist, "My dad understands. May blessing niya, at aware siya na 'yun ang magiging screen name ko. But my real name will always be Inah Estrada, nothing will change that."

Mapapanood si Inah sa bagong Kapuso teleserye na pagbibidahan rin nina Jake Vargas, Jeric Gonzales, Epi Quizon, Ryan Eigenmenn, Gladys Reyes, at marami pang iba.

Kabilang rin siya sa cast ng independent film na "Die Beautiful," na pinagbibidahan naman ng Kapuso host-actor at "Eat Bulaga!" Dabarkads na si Paolo Ballesteros. — AT, GMA News

LOADING CONTENT