advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Inah De Belen teams up with Jake Vargas, Jeric Gonzales in new drama series


Balik-Kapuso na si Inah De Belen, ang panganay na anak ng dating mag-asawa na sina John Estrada at Janice De Belen.

Matatandaang napanood si Inah youth-oriented lifestyle show na "Candies" kasama sina Alynna Asistio, Andi Manzano, Wynwyn Marquez, at Rhian Ramos

Sa naganap na contract signing nitong Huwebes, hindi naitago ng aktres ang kaniyang pananabik ngayong bahagi muli siya ng GMA Family makalipas ang ilang taon. 

Aniya, "Sobrang excited talaga ako! Thank you, GMA. I'm so excited to be a part of your family. I'm so happy! Maraming plans ang GMA for me, and I'm really looking forward to all of it."

Kabilang sa mga unang projects ni Inah ang isang drama series, kung saan makakasama niya sina Jake Vargas at Jeric Gonzales.

Bibida rin sa naturang programa ang ilang batikang aktor, kabilang sina Epi Quizon, Ryan Eigenmann, at Gladys Reyes.

"May storycon kami next weekend. Hopefully, magte-taping na rin kami," pagbabahagi ni Inah.

Makakasama rin si ang aktres sa independent film na "Die Beautiful," na pinagbibidahan ng Kapuso host-actor at "Eat Bulaga!" Dabarkads na si Paolo Ballesteros.

 

 

Masayang ibinahagi ni Inah na full support ang kaniyang mga magulang sa kaniyang pagbabalik-Kapuso, lalo na sa kaniyang acting career.

"I just want to make my mom and my dad proud," aniya.

Dagdag pa ng Kapuso artist, My mom is very supportive. Ever since nag-start ako, sobrang supportive na silang dalawa. If I'm doing a show, pinapanood talaga nila. I'm so happy and I'm so blessed."

Hindi itinatanggi ni Inah na malaking tulong para sa kaniya na ang kaniyang mga magulang ay ilan lamang sa mga tinitingalang artista sa industriya.

Sa katunayan, kay John at Janice umano siya kumukuha ng tips, hindi lamang sa pag-arte kundi maging sa pananatili sa showbiz.

Payo raw sa kaniya ng kaniyang mga magulang, "Just be yourself. Remember to keep your feet on the ground. 'Yun naman ang importante."

Abangan si Inah sa iba't ibang programa ng GMA simula ngayong Agosto! — RSJ, GMA News

LOADING CONTENT