ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
PAMBANSANG BAE LAUNCHES ‘BIO’

Alden Richards says he was ‘pasaway, makulit’ as a child


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Inilunsad na nitong Linggo ang “Alden Richards: In My Own Words,” ang kauna-unahang libro ng Pambansang Bae at Kapuso host-actor na si Alden Richards, kung saan mababasa ang kuwento ng kaniyang buhay—mula pagkabata hanggang sa pagtatagumpay niya sa showbiz.

Kilala man ngayon si Alden bilang isa sa pinakamabait na artista sa industriya, aminado ang “Eat Bulaga!” Dabarkads at “Sunday Pinasaya” star na pasaway siya noong kabataan niya.

“As a child, I was very makulit. When I was seven, I fell into a Koi pond as I was throwing pebbles at the fish. Ang bilis ng karma! I went home that night soaking wet. My dad was very upset, and no one wanted to take care of me. Ganoon ako ka-pasaway!” kuwento ni Alden.

Nagbago lang daw ang pananaw ni Alden sa buhay nang pumanaw ang kaniyang ina dahil sa chronic pneumonia noong 16 na taong gulang pa lamang siya.

Ayon sa Pambansang Bae sa panayam ng GMA News, “I didn't have any goals. Gaya ng ibang bata, living life to the fullest, doesn't really care about anything. After a while, when my mom passed on, everything changed for me.”

“'Yung priorities ko, nag-iba. I learned to set goals, to be mature, at a young age. Sometimes, may nangyayari talaga sa buhay natin so we can learn something from it, for us to be better than we are now,” dagdag pa niya.

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na pangarap talaga ng ina ni Alden na mag-artista ito, at nagpursigi nga ang binata na magtagumpay sa showbiz bilang pagbibigay-pugay sa namayapa niyang ina.

Habang tumatanda, lalong natutuon ang pansin ng Kapuso host-actor sa pagtulong sa kaniyang pamilya at mga mahal sa buhay. “I put the needs of my family first, before mine,” ayon kay Alden.

Gayunpaman, kung may isang bagay umano na hindi nagbago, ito ang kaniyang matibay na paniniwala sa Diyos.

Aniya, “As a teenager, mas naging focused ako, hands-on with the things I'm doing, especially school. I have always been a dreamer. I love to dream about things for my family, for my life. But later on, I found out that you don't really just plan for yourself. The Lord plans for you.”

 

 

Cheers!!! Merry Christmas po from us to yours. ????

A photo posted by Alden Richards (@aldenrichards02) on

 

 

 

It has been 6 years ma and I still miss you everyday. I love you... always.

A photo posted by Alden Richards (@aldenrichards02) on

 

Sa ngayon, nakatuon ang pansin ni Alden sa paggawa ng mas marami pang projects sa telebisyon man o pelikula.

“I'm serious about my job. I don't take anything for granted. I'm always up for a challenge,” ayon kay Alden.

Kamakailan lamang, ipinalabas sa mga sinehan sa iba't ibang bahagi ng mundo ang “Imagine You & Me,” ang kauna-unahang solo movie nila ng phenomenal Kalyeserye princess at Dubsmash Queen na si Maine Mendoza, na kinunan pa sa Italy.

Bukod sa napapabalitang pagbida nila sa teleserye, marami pa raw dream projects ang Pambansang Bae kasama ang kaniyang ka-loveteam.

Aniya, “Sana horror, romance-horror. Puwede rin action naman, or comedy flick." —NB, GMA News