Marian, Alden, other Kapuso stars stand up against cyberbullying in #HeartOverHate campaign
Nagsama-sama ang ilang Kapuso stars sa isang video upang itaguyod ang #HeartOverHate, isang anti-cyberbullying initiative ng GMA Network.
Maliban sa pagtuligsa sa cyberbullying, hinikayat rin ng mga artista ang netizens na magpalaganap na lamang ng “encouragement, kindness, and responsibility” sa social media.
Kabilang sa mga sumuporta sa #HeartOverHate campaign sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at Pambansang Bae Alden Richards, kasama sina Kylie Padilla, Ruru Madrid, Kris Bernal, Bea Binene, Ken Chan, Julie Anne San Jose, Glaiza de Castro, Andrea Torres, Louise delos Reyes, Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Mikee Quintos, Phytos Ramirez, Andre Paras, Derrick Monasterio, Martin del Rosario, at Ashley Ortega.
“Mayroong mga tao na katulad ko at katulad mo na nakararanas ng lungkot, takot, at depresyon,” ayon kay Miguel at Bianca.
Dugtong naman ni Kris, ““Mahirap 'yung pakiramdam na wala kang magawa kahit sobrang sakit na.”
“Stop the pain now. Nasa iyo ang kapangyarihan na itigil ito. Before it happens to you, before it happens to someone you love,” paalala nina Ruru, Louise, Phytos, at Mikee.
Ayon naman kay Andre, Derrick, Martin, at Ashley, “Allow yourself to be be this wonderful person who choose heart over hate—'yung magpapalakas ng loob ng iba, (and) someone who celebrates everyone's uniqueness.”
“Let your words be someone's inspiration, because you are choosing heart over hate,” pagtatapos nina Glaiza at Alden.
Ayon sa NBI Cybercrime Division (NCR), humigit-kumulang 54 kaso ng cyberbullying ang naitatala nila kada buwan mula Enero ngayong taon.
Kabilang sa mga inirereklamo ng mga biktima ang online libel at grave threats.
Ang Pilipinas rin ang “4th worldwide in Google searches for 'cyberbullying.'"
Paalala ng #HeartOverHate campaign, ang cyberbullying ay labag sa batas, ayon na rin sa Republic Act No. 10627 o ang Anti-Bullying Act of 2013 at Republic Act No. 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012. — RSJ/FRJ, GMA News