Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Kylie Padilla takes you on an exclusive ‘Encantadia’ studio tour!


Paano nga kaya binubuo ang mahiwagang mundo ng "Encantadia" para sa mga manonood?

Kamakailan lamang, ipinasilip sa atin ng Kapuso actress na si Kylie Padilla ang malawak na set ng inabangang remake at retelling ng hit Kapuso fantasy series, na mapapanood araw-araw sa GMA Primetime.

Silipin ang “mahika” na nangyayari sa likod ng camera—mula sa paggawa ng kagubatan at ng kaharian ng Lireo, hanggang sa mga aktibidad ng mga artistang nagbibigay-kulay sa programa.


 

Bida sa remake at retelling ng hit Kapuso fantasy series na "Encantadia" sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, Sanya Lopez, at Glaiza de Castro bilang Amihan, Alena, Danaya, at Pirena.

Kabilang rin sa mga nagbibigay-buhay sa kuwento sina Ruru Madrid, Rocco Nacino, Klea Pineda, James Teng, Buboy Villar, John Arcilla, Solenn Heussaff, at marami pang iba. — Bianca Rose Dabu/AT, GMA News