Filtered By: Showbiz
Showbiz

Chynna Ortaleza shares reason behind Baby Stellar's name


Proud hands-on mom ang Kapuso actress na si Chynna Ortaleza kay Baby Stellar, ang panganay na anak at unica hija nila ng singer-actor na si Kean Cipriano.

Sa episode ng "Sarap Diva" ngayong linggo, ibinahagi ng aktres kung paano nila naisip ang pangalang Stellar para sa kanilang anak.

Aniya, may mahalagang kahulugan raw ang naturang salita para sa kanilang mag-asawa.

"Sa life namin ni Kean, it's very important kasi it's our favorite song. We were driving around, tapos sabi niya sa akin, 'Love, bakit hindi natin siya tawaging Stellar? After the song.' Naisip ko talaga right then and there, 'Yeah, tama!'" kuwento ni Chynna.

Dagdag pa niya, "Ito na lang ang itawag natin sa baby natin, kung girl man siya o boy. We didn't know during that time kung ano ang gender niya. Pero tamang-tama talaga kasi maganda ang meaning niyan."

Kabilang ang kantang "Stellar" sa ikatlong album ng bandang Incubus, na inilabas noong taong 2000.

 

Sa nasabing episode, nagpapasalamat rin si Chynna sa umaapaw na suporta at pagmamahal na natatanggap niya mula kay Kean, na hands-on rin umano sa pag-aalaga sa kanilang anak.

“I'm very blessed to have found my partner in life. He's my best friend. I can't imagine having a family with anybody else but Kean because jive talaga kami. Our aspirations, our dreams for our child, talagang swak,” ayon sa aktres.

Pagtatapos niya, “Sinu-surrender talaga namin si Stellar kay God. I'm very blessed to have a husband who has great faith. A lot of people don't know this about him. I'm very lucky to see him everyday and witness how he is as a person—his heart, his soul.” — Bianca Rose Dabu/AT, GMA News