ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK
Add GMA on Google
Sunshine Dizon shares story behind photo with kids and father-in-law
By BIANCA ROSE DABU, GMA News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Masalimuot man ang pinagdadaanan ng Kapuso actress na si Sunshine Dizon at ng kaniyang asawang si Timothy Tan, masaya pa ring nakakasama ng aktres at ng kaniyang mga anak ang iba pang miyembro ng kanilang pamilya.
Kamakailan lamang nga, ipinasilip ni Sunshine ang isang larawan kung saan kasama niya ang mga anak na sina Anton at Doreen at ang kaniyang father-in-law.
"Happy weekend with Lolo Daddy" ang inilagay na caption ng aktres sa kaniyang Instagram post nitong nakaraang linggo.
Ayon kay Sunshine sa panayam ng GMA News nitong Linggo, "I’ve never had a problem with the family of Tim, especially my father-in-law."
"Hindi na lang napag-uusapan, pero ayoko rin umabot sa point na maapektuhan ‘yung relasyon ko at ng mga anak ko sa father-in-law ko because he’s a very decent and good man. He’s truly like my second father," dagdag pa niya.
Kinunan daw ang litrato habang nagbabakasyon ang kanilang pamilya sa Guagua, Pampanga upang ipagdiwang ang pagdating ng kaniyang father-in-law, na galing Estados Unidos.'
Aniya, umaasa raw ang ama ng kaniyang asawa na magkakaayos pa sila, ngunit hindi na raw ito nangingialam sa pagde-desisyon nilang mag-asawa.
Pahayag ng aktres, "We just avoid talking about it. He’s praying and hoping na maaayos. Pero hindi niya ako dinidiktahan sa kung anong dapat kong gawin dahil may sarili akong desisyon. Hindi rin sila nangungunsinte sa may maling nagawa. Pero kung puwedeng maayos, siyempre, he’s all for it."
Sa ngayon, hindi muna nagbabahagi ng karagdagang detalye si Sunshine tungkol sa pinagdadaanan nilang mag-asawa matapos silang magkaharap sa korte ngayong buwan kaugnay sa inihain niyang concubinage complaint at paglabag sa violence against women and children's act laban kay Timothy. — DVM, GMA News
More Videos
Most Popular